Ang desisyon din na alisin ang ating mga tropa sa Iraq ay isang tagumpay laban sa bansang inagaw ang ating maikling kalayaan isang siglo na ang nakaraan, at tulad ng ginawa nito sa Iraq ngayon, trinato ang ating mga bayani para sa kalayaan, na lumaban sa agresiyon at kolonisasyon ng Estados Unidos, tulad ni Macario Sakay, Mon" talan at iba pa bilang mga terorista, rebelde at kriminal na pinaghuhuli at pinagpapatay. Dahil sa desisyon na alisin ang mga base ng Estados Unidos nung Setyembre 16, 1991, ipinagmalaki natin na tayo ay Pilipino. Labing"pitong taon na ang nakakaraan, pinakita natin sa buong mundo na sa kabila ng ating mga kahinaan bilang nasyon at kahit na sa pagpe" presyur galing sa isang superpower, alam natin kung paano ipagtanggol ang ating mga soberaniyang interes at ipahayag ang ating dignidad. Ang mga probisyon nito ay kumikiling lamang sa interes ng Esados Unidos habang gina" gamit ang mga malabong alituntunin upang ta" pakan ang mga karapatan ng Pilipinas bilang isang soberaniyang estado sa sarili nitong teritoryo. Ito ay hindi makatarungan at ito ay mali. Ito ay nagsisilbi lamang sa iisang panig. Ang VFA Bilang Kasangkapan ng Buong Pagsuko ng Kapangyarihan ng Pilipinas. Ang VFA ay isang pambansang indignidad at in" strumento ng pagsuko.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |